Ang Bobo Guides ay para sa mga kaluluwang naliligaw ang landas at hindi na alam ang gagawin. Di, joke lng po. Ito po ay ginawa upang maka tulong sa ating mga kapatid na ComSci na gustong matuto ngunit masyadong komplikado ang mga Tutorials at Guides sa internet.
Ang unang edition po ng Bobo Guides ay para sa Android Development. Sa mga susunod na araw i-uupdate ang ko ito para makapag bigay ng paunang sample. Taglish po tayo dito sa Bobo Guides. Alam ko pong masakit sa ulo ang pure tagalog at minsan ay mas kumplikado pa sa purong English. Slang din po ang mga terms na gagamitin ko dito para naman mas "light" intindihin, ibig sabihin, hindi formal na Filipino na parang pang essay ang dating. Parang nagkwe-kwentuhan lang po tayo dito.
Sa mga ma o-offend sa pangalan ng blog, sana po ay maintindihan niyo ang meaning ng salita. Aminin man natin o hindi, lahat tayo ay dumaan sa stage ng kabobohan. Iba ang tanga sa bobo. Ang bobo, hindi niya alam gawin ang isang bagay dahil wala pa siyang kaalaman tungkol sa bagay na iyon o kulang pa ang kaniyang alam. Similar sa mangmang. Ang tanga, alam niya na ang isang bagay pero hindi niya pa rin ginagawa dahil tanga nga. Para sa akin, walang salita na masama. Bawat salita ay may katapat na meaning pero depende sa pag gamit kung ito ay magiging masama o hindi.
Anyways, tama na yang mga terms terms na yan. Comsci po tayo dito at hindi mga Linguist. Sana ay magustuhan niyo at makatulong ang mga guides, tutorials at iba pang ipo post ko dito. Tandaan lang natin, "Lahat ng malupit ngayon ay bobo rin naman noon"
